Hello po. Pa-advise po please. May coop ang kapatid ko at tuwing magloloan sya, ako ang pumipirmang co-maker niya. Pero last year, three times syang nakapagloan sa coop niya na hindi ako ang pumirma kaya naman hindi ko alam na nagloan pala siya. Last month, umalis na siya kasama family niya tapos bigla akong sinisingil ng coop niya para hulugan yung loan niya dahil ako daw ang co-maker. Dun ko pa lang nalaman na ginaya pala ng kapatid ko ang pirma ko. Madali lang kasi gayahin ang pirma ko. Inamin naman ng kapatid ko na ginaya niya pirma ko, pero wala lang talaga siya pambayad sa loan niya.
Obligado po ba akong magbayad kahit hindi ko naman talaga pirma yun? Hindi po ba dapat na sa harap mismo ng officer ng coop pipirma yung co-maker? Hindi po ba pagkakamali na yun ng coop? Pwede po ba akong habulin/kasuhan ng coop at ipilit nilang pirma ko yun? May dapat po ba akong gawin? Sana po ma-advise-an niyo ako. Nasa malayo na po kasi ang kapatid ko kaya ako ang kinukulit ng coop niya dito sa amin. Salamat po.