Hingi po sana ako ng advice kung anung magandang gawin po namin.2016 po tinerminate po kami ng company namin bali apat po kami empleyado.nagkaron po ng site ang dati namin company sa isang casino.Di po kami pumirma dun sa letter of termination,nagreklamo po kami sa labor hanggang umabot na po sa nlrc quezon city case namin. Decision po nila is reinstatement. Nag email po yung hr manager ng dati namin company. Pinapa claim po pera namin sa mismo opisina nila at sinabing since sarado na daw po kung san kami nagwowork bibigyan nalang daw po kami ng final pay. Tinanong po namin kung magkano makukuha namin,sabi po malalaman daw po pag nagclaim na kami.
Questions po:
-Tama lang po ba non sa mismong opisina nila kami pupunta para i claim pera namin? Hindi po ba dapat kung saan kami nagreklamo dun i aaward yung pera?
-regarding po dun sa sinasabi nilang final pay,dapat po ba alam din ng labor yon since sinasabing close na yung casino pinagtatrabahuhan namin. Though existing pa po yung company namin,bali provider nalang po sila sa mga casino.
Sana po mabigyan nyo kami ng advice para alam po namin ang pwedi namin gawin.
Maraming salamat po! 🙂