Dear Atty.
Anu po ba pwede kung gawin para maka pag bigay ng child support ang tatay ng anak ko. 3 yrs po kami nag sama nung nanganak po ako umuwi po ako sa amin dahil nahihirapan akong pakisamahan na siya. Nangako po sila ng tulong sa panganganak ko pero di nman nila tinupad kahit nagkapermahan na sa bgry na mag bibigay sila. Ngayun po nangako siya ulit mag bibigay ng 3k buwan buwan 800 pesos lang po nabigay niya at di na nasundan until now. Gusto ko po talaga maka kuha ng child support gawa ng naging biktima ako ng physical abuse dito sa ibang bansa at wala akong trabaho. 1 year old pa lang po anak ko. Sinasabi nila wala daw ako habol dahil hindi raw apelyido niya ang dala at di kami kasal. Kasal po siya sa una niyang asawa 10 years na silang hiwalay bago kami nag sama. Ang akin lang po atty anu po ang pwede kung gawin para maka kuha ng child support. May contact ako sa pamilya niya pero pag hinihingi ko tulong para sa bata bigla lang nawawala. At sabi po niya hindi po daw siya takot sa kaso dahil di ko raw siya pwede kasuhan sa regarding child support dahil hindi kami kasal.
Please desperada po ako mkakuha ng child support dahil sa kasalikuyang sitwasyon ko.
Salamat po
Last edited by Kresta on Sat Jun 16, 2018 11:13 pm; edited 1 time in total