Nais ko lang pong humingi ng advise sa sitwasyon ko sa trabaho ngayon.
5 years na po ako sa company na pinpasukan ko ngayon. Gusto ko na pong lumipat ng trabaho kaso po ay nagkaroon ako ng 1 year na bond noong nag attend po kami ng technical training, January of this year 2018.
5 po kaming attendees sa training na iyon at parepareho din po kaming walang pinirmahan na bond contract before mag attend sa training. Wala pong kahit na anong document na magpapatunay na naka attend kami at na bond.
Ngayon po gusto ko ng umalis dahil madami na din po ang nag resign at dahil naging kaunti kami ay lumaki din po ang aming work loads.Legal po ba na mag resign ako? ang worry ko po kasi is baka bigla silang maglabas ng document para pirmahan namin regarding sa training. 4 months na din po ang nakalipas. Ano po ba ang mabuti kong gawin?
Maraming salamat po.