Magandang umaga po. Humihingi po ako ng legal advise, dito sa aming problema. May lupa po kami na minana sa magulang naming namatay na minana rin ng tatay ko sa magulang nya, sa ngayon po ay pinaghati na namin sa aming 4 na magkakapatid. Dito na po pinanganak ang tatay ko, maging kaming lahat na magkakapatid. Noong 1997, pnaayos ko po ito para tirhan nmin ng asawa ko sa bale harapan po ito ng bahay ng mga magulang ko, may kapiraso po syang tindahan dun, noon nman 2011, nagiba tong bahay namin dahil nag karon ng road widening kaya kinuha ng government yung bangketa, so nagpatayo po ulit kami ng bagong bahay, at nag lagay na rin gate dito kung saan kami nakaharap, kasi po corner lot po ito at nasa isang compound kami, at doon sa kabilang kalsada kami dumadaan, pero since nag sipag asawa na rin, sinabihan po kami ng tiyuhin ko na mag gawa ng daanan dito sa isang street kung saan kami nakaharap. Okey naman po lahat, then eto na yung problema, yung kapitbahay nmin ng mamatay ang nanay nila, eh sinabi sa amin na may nasakop daw kami sa lupa nila, at yun eh yung gate na dinadaanan nmin ngayon, kasi daw po kung titingnan yung pader nila eh tumbok dun sa gate, sa totoo lang po di rin alam na ganun po iyon, wala nman ako alam sa mga usapin sa lupa. Sa side nmin willing nman kami magbayad, kung ganun nga, kasi di ko na maiiusog yung bahay ko, wala pa po 2 or 3 square meters yung nasakop namin kung meron man, kasi po pa triangle yung sukat. Ang sabi nya hindi raw nya binebenta at gusto nya alisin yung gate nmin at kung bibilhin nmin nasa 150k ang halaga, dahil hindi nga daw nya binebenta. 6 po sila magkakapatid, sya lang po ang laging nagsasalita sa amin, at sa pagkakaalam nmin, yun titulo ng lupa ay wala pa sa pangalan nila, dahil ang tunay pong may ari ay yung tyahin nilang namantay, at sinasabi lang nya na sa kanila yun. Sa part ko po willing kami magbayad pero di nman po ganun kalaki at di po ba dapat may titulo kung sakaling bibilhin nmin? Kinausap ko sya at sabi ko sa Barangay kami mag usap para may gigitna, ayaw nya at masyadong sarado ang isip nya, sabi ko din bka pde kausapin ang lahat ng mga kapatid nya, kumbaga mag harap harap kami bilang mga matatagal ng magkapitbahay, ayaw din po nya, ang gusto nya lang basta alisin ko yung gate nmin o magbayad ako ng P150K, sa totoo lang po wala na talaga kami uurungan, dahil sagad na po. Ano po ba ang mabuti para dito sa ganitong kaso? kasi po masyado pong mataas ang tingin ng taong to sa sarili nya, yun nga pong kotse nya pinaparada talaga nya sa tapat ng gate nmin, dina nga po kami kumikibo para walang gulo, pero sumosobra na rin po sya, sabi nya di sya walang hiya, pero ayaw nman nya mag pa settle sa tamang presyo at di rin nya maipakita ang titulo na kanila ang lupa. Paki tulungan nman po sa mga dapat nmin gawin. Maraming salamat po.