May kaibigan po akong may utang sa akin. Bumili po siya ng bagong motor at hindi pa nare-release ang OR at CR nito. Ibinigay po niya sa akin ang motor bilang pambayad sa kanyang utang, ngunit hindi ko pa napapalipat sa pangalan ko. Ngayon po ay nakulong ang kaibigan kong nagbigay sakin ng motor sa kasong Syndicated Estafa. Paano ko po makukuha ang OR CR sa pinagbilhan ng motor, at paano ko po mapapalipat sa pangalan ko ang motor ngayong nakakulong na ang kaibigan ko. Sana po ay mabigyan niyo ako ng advice sa kung anong hakbang ang kailangan kong gawin.
Maraming salamat po.