Magandang araw po sa lahat,, gusto ko po sanang hingin ang advise ng mga nakaka alam kung ano po ang dapat kong gawin para maging legal na tagapagmana o beneficiary ang partner ko na kasama ko sa buhay for 13 yrs. may nakuha po akong housing sa thru Pag ibig (HDMF) at naka set po iyon ng 25 yrs for amort. under my name po at updated naman ang monthly amort ko.. By the way im single and 41y/o. dito po kasi sa Pilipinas hindi allowed ang same sex marriage for beneficiary purpose man lang.. as of now po 8 yrs na kami nakatira sa bahay na nakuha ko,, at gusto ko po sana mangyari na kung mauuna akong mamatay eh automatic po si partner ko ang legal na magmana ng housing at fully paid na po since ganun naman po ang patakaran ng pag ibig na kapag decease na nag borrower ay automatic fully paid na ang bahay at lupa.. maraming salamat po at sana po ay mabigyan nyo akong nararapat na advise kung ano ang legal na dapat kong gawin.. Godbless po sa mga Abogado natin ..