nag-offer po kasi sa akin ang home credit ng cash loan last June 2017 for the amount of 24k na payable for 24 months (2k/month) which is equivalent to 48k.
Unfortunately, nawalan po ako ng work dahil sa health issue noong November 2017 kaya nahinto din ang pagbayad ko monthly. Fortunately naman po ay nakabalik ako sa trabaho last February 2018. Bale 3months po yung delay ko na hndi nabayaran.Nung month of February po na naisipan ko na din ituloy tuloy yung pagbayad ko monthly which is dapat 2k lang monthly pero yung month of November,December & January ay naging 2700/month dahil sa interest/penalty. So need ko po muna bayaran ang php8100 for 3months delay ko para mgstop yung penalty na papatong every month kapag yung pagbayad ko ay kung ano ang kinagawian ko which is 2k/month.
Sa kasamaang palad po, nawala yung gana kong magbayad dahil sa penalty monthly. nakiusap na ako sa home credit kaso need ko daw e'fully paid ang 3months kong delay para mgstop ang penalty monthly.Dahil sa hindi ko na nga nabayaran nang tuluyan,ang loan/contract ko po ay terminated na at need ko daw bayaran in a full which is php38,100 in total daw at kapag hndi ka pa daw mababayaran,mgsasampa daw po sila ng Legal Case.
naendorse na daw yung account ko sa field officer nila.
i keep on contacting them para makuha ko ang contact number ng field officer para makipagcoordinate kaso wala silang reply thru chat & email.Binigay ko na din sa kanila ang new contact # ko which is patunay na hndi ako tatakbo sa utang ko.
Umaasa po ako sa tawag at reply nila,kaso wala eh.
Additional info po, lumipat na din po ako ng tinitirhan.
iba na din po ang address ko ngayon sa dineklara kong address sa home credit.
Ano po ang gagawin ko?
PLEASE HELP :'(