Hope you can help me with my friends problem, sobrang stress na sya now kakaisip so this is my way to help.
She worked before with this Company for more than 6months she was assigned to do all transactions with the Government. Due to her financial problem and needs the following are the things she done.
1. Payment for the SSS Loan was posted under her name, so nagrequest sya ng payment ng SSS Loan pero may mga months na hindi nya pinopost sa tamang tao ang payment kundi sa sarili nya, she able to pay her SSS Loan arrears para makapagloan na sya ulit, tapos the next month naman pinost nya ulit ang payment under her name padin, selected employees ang mga walang posting for 2 months. Total amount na napost nya sa SSS Loan nya nasa 45K
2. Yung payment sa HDMF Loan ngrerequest sya ng payment tapos ibabayad naman nya sa HDMF kaso lang gaya sa SSS hndi rin sa tamang tao kundi sa sarili nya lang din at selected employees lang din estimated amount nasa 90K
So estimatedly nasa 150K yung total na nadaya nya at binayad nya sa sarili nyang account sa SSS at HDMF.
Natatakot kasi sya now, gusto nya lang malaman kung qualified theft ba daw ginawa nya, may mga tao kasi na di na makapagloan sa SSS dahil may kulang nga na payment tapos sa HDMF naman lumiit na yung loan proceeds ng mga nagloloan for almost 6 months yun ang nagawa nya. Resign na sya sa Company, 2 months na din sya wala sa Company pero may kutob sya na nagiinvestigate na yung Company sa mga nagawa nya, anu ba best way na gawin nya, kausapin nya na yung may ari ng Company then aminin na nya at makipagsettle bago pa sya idemanda, or wait nalang nya mademanda sya para makaipon pa sya ng pangsettle nya? Super stress na sya kakaisip now, di na nya alam anu pwede nya gawin, baka nagooverthingking lang din sya sa situation.
Salamat po sa sasagot sa tanong...