Kahapon ay inutusan niya ang kanyang anak para bumili sa tindahan, pagdaan sa bahay ng kapatin ng biyenan niya, tinawag ang anak nya ng kapatid ng kanyang lola , tinanong ang bata kung kanino yung dala niya. Ng isagot ng bata na dun nga sa tatay niya ang sagot sa kanya. " Ah dun sa tatay mung pilay? Sabihin mo sa kanya baka lalo siyang magkanda pilay pilay ." Sinabi ito sa bata sa harap ng maraming tao, na na babible study daw.
Gusto kong ipa blotter ang taong ito , unang-una sa lahat walang ginagawa ang kapatid ko sa kanila na masama. Sa pagkakataon ng pangyayari na ito nasa bahay ang kapatid ko. Wala akong nakikitang dahilan para magsalita sila ng ganun sa harap pa ng maraming tao.
PWD ang kapatid ko at titser siya sa isang public school dito sa amin.
May nakalagay po ba sa batas natin tungkol sa maling pagtrato sa pwd?
Sana po ay matulunga ninyo ako.
thank you po