Makakasuhan po ba ang isang babae kung naanakan sya ng lalaking may asawa na? Alam naman po nya na may asawa na si lalaki pero niligawan kasi siya at pinangakuan na hihiwalayan na ang misis nya dahil alam naman nila na napikot lang si lalaki. Ang problema may nangyari sa kanila at nabuntis sya sa isang beses na yun. Ngayon,wala na silang relasyon pero nagtetext pa din si lalaki para kamustahin ang anak nila. Ano po ba ang pwedeng ikaso sa kanya? Yung misis nung lalaki nagpopost din sa social media ng picture at pangalan nya. Pinapahiya sya. Pwede din po bang kasuhan yung misis?
Free Legal Advice Philippines