magandang araw po.
nabasa ko po ang mga post ng bawat member ng site kaya po ako din po nagdesisyon na sumulat upang makahingi po ng payo. ako po ay 3o years old at may ka live in partner po ako 38 years old, 4years na po kaming nagsasama,hiwalay na po cya sa kanyang asawa mga 8years na ang nakalipas at may dalawang anak cla babae at lalake, ang lalaki niyang anak ay nasa amin at ang babae ay nasa kanyang asawa,hndi po cla legally separated.. may anak din po ako na isang lalake ..pero sa aming pagsasama ay hndi po kami nabiyayaan ng sarili naming anak..sumulat po ako upang makahingi ng payo kung ano po ang dapat kung gagawin pagdating po sa mga karapatan.may mga naipundar po kami na mga gamit maliit na negosyo , hndi naman po aq nagdarasal na mawala sa mundo ang aking kinakasama pero ako lng po ang naniniguro na baka pagdating ng panahon na mangyari yon ay hndi ko pa maaangkin ang aming naipundar dalawa dahil hndi po kami kasal at hndi rin po sila legal na hiwalay ng kanyang asawa.ano po ba dapat kung gawin para pa meron din akong matibay na panghahawakan pag dumating ang panahon, maraming salamat po
View user profile