Yung lola ko po ay unang asawa ng lolo ko, kasal po silang dalawa. Then after 12 years ng pagsasama nila naghiwalay at nag asawa ng iba ang lolo ko. Kasal din daw po sila ng second wife nya at nagkaroon po sila ng second wife nya ng 7 anak. Matagal na pong sumakabilang buhay ang lolo ko.
Ngayon po, nabalitaan ko sa mga pinsan namin sa second wife ni lolo na naghatian at pinagbebenta na daw nila ang mga lupa na nakapangalan kay lolo at sa lola ko. Pineke daw ang pirma at pinalabas na hindi na kami naghahabol.
Ano po ba ang mga karapatan ng lola ko sa mga lupain nya na pineke ang pirma at umiiral pa rin po ba ang conjugal right ni lola ko? Ano po ang mga hakbang na pwede naming gawin laban sa second family ni lolo?
At yung GSIS pension ni lolo, sa second wife na po napunta simula ng namatay si lolo. May habol din po ba kami dun?
Maraming Salamat po