Last week, at around 10:30pm, nakabangga ako ng isang car (1992 model ng lancer, unregistered, driven by a girl kasama ng boyfriend nya). My car is a 2015 mirage G4 and may comprehensive insurance ako. We both came from an intersection pero pagkalagpas sa intersection, nagsudden stop siya kasi yung tricycle na sinusundan nya eh bigla tumigil pa-side sa daan. Since nakabwelo ako at galing kami sa intersection nga, too late for me to apply my brake kaya nabangga ko siya. Pagkabangga, naghazzard ako agad while the other car dumerecho pa ng mga 150-200 meters away tsaka gumilid sa madilim na part ng daan. May mga tao na pumunta sa kanila, and since I was still shocked sa nangyari tumawag agad ako sa friend ko at sinabihan ko na tumawag sa police station ng town ko...but several minutes wala pa rin pulis na dumating and dumarami na tao na nakiki-osyoso...and may isang tricycle pa na pinapababa ako sa kotse ko. I refused and said na hihintayin ko ang pulis na reresponde. Lumipas ang 15mins wala pa rin, and I didn't already feel safe sa lugar kasi andami na nakikialam, kaya nagdecide ako na umalis sa scene and went to another town's police station (since yung police station ng town na pinangyarihan ng accident eh kailangan ko sila daanan at lagpasan, natakot ako na baka harangin ako at baka kung ano mangyari) and I voluntarily surrendered and reiterated sa mga pulis dun ang nangyari. After a few while dumating ang kotse na nabangga ko kasama ang ilang kasamahan nila na mga nagsabing mga kamaganak nila na politicians. Since di jurisdiction ng station na yun ang case namin, they turned us over sa police station ng town kung saan naganap ang accident (but we waited for more than 1 hr before sila dumating). And so pagkaturnover, gumawa sila ng police report stating what happened based sa sinabi namin na scenario. The day after, I brought the documents sa insurance ko and kasama na ang documents (wala silang insurance, hindi registered ang sasakyan at 3rd owner sila nung car, even the deed of sale eh hindi notarized) nung nabangga ko. Until now wala pang decision ang insurance ko regarding the case nitong nabangga kong sasakyan. And so pinipressure na nila ako kesyo ako naman daw bumangga so dapat ako sumagot sa repairs nung sasakyan nila. Therefore ang tanong ko po is, what should I do? Dapat ba akong magbayad sa kanila? Salamat po.