Magandang Araw po. Ako po ay humihingi ng payo patungkol sa nangyari sa aking biyenan.
heto po ang istory. namamasyal po ang aking mag ina kasama ng aking biyenan sa mall. ang aking misis ay hawak ang aming anak at ang aking biyenan naman ay buhat buhat ang stroller ng aking anak. habang sila ay papaba ng escalator nasagi ng isang matandang babae ang stroller ng aking anak at ito'y natumba at nauna ang siko. hindi naman ito tinakasan ng aking biyenan at idinila sya sa malapit na hospital upang mabigyan ng paunang lunas. subalit ang matandang babae ay me sakit na diabetes at ito ay naconfine ng ilang araw. walang ano mang insurance o philhealth ang matanda kaya ang bayarin sa ospital ay aabot ng 55k dahil sa gamot para sa diabetes ng matanda. nag kasundo ang dalawang panig na maghati sa bayarin, ngunit nung magbabayaran na ay pinapasagot na ng pamilya ng matanda ung buong gastusin sa aking biyenan.
ang katanungan ko po ay
1. meron bang pananagutan ang aking biyenan sa nangayri?
2. ang biyenan ko pa ba ang sasagot sa pagpapagamot ng karamdaman ng matanda?
3. ang biyenan ko din ba ang sasagot sa medesina para sa diabetes ng matanda?
4. maaring bang tumangi ang aking biyenan na bayaran ang buong halaga ng nagastos sa ospital?
Ako po ay nagpapasalamat sa mga mabibigay nyong abiso sa akin.
Maraming Salamat po.