Hello po. Hinge po sana ako ng advice sa situation namin ng mga kasama ko sa office po. Regular na po kami, ako 2 years nang nagtatrabaho dito ang iba po may 3-5 years na din. Kaya kami tumatagal kasi hindi tinataggap ang mga resignations namin pag nagsasabi kami sa boss namin na magreresign kami. Kaya po yung iba, mag a-AWOL na lang para makaalis sa companya. Kahit ang HR wala pong magawa kasi family ng boss namin ang may-ari ng companya. If we are to file for our resignations, we are not even sending it to HR since nasa boss pa rin namin ang final say. And then hindi po after 30 days ang nilalagay namin na effectivity nung resignation letter namin, mahigit 3 months pa po. Ano po ba ang pwede naming gawin para hindi po umabot sa pag AWOL or ABANDONMENT?
Free Legal Advice Philippines