Magandang gabi po, sana matulungan nyo po ako. Tago nyo nalang po ako sa pangalan na Frey, 25 years old na po ako, may asawa at anak na din po. Ang hihingi ku po ng advice yung rights ko po. Inampon po ako ng tito ko at ng asawa nya, si mama po nung nanganak nasa 18 years old po sya, nakatira po sya sa tito ko, kaya po nung nanganak sya hinde po alam ng lolo at lola ko. Nung nanganak po ang mama ko dun sa kakilala nilang doc nung tito ko pinakabit mu nilang pangalan ng magulang ko yung pangalan po nilang mag asawa. Wala pong legal adoption, sa takot po ng mama ko at sa edad po nya napapayag po sya. Ngaun po ang nangyari siguro mga 4mos palang po ako kinuha po ako ng lolo at lola ko. Hinde na po nila ako sinuportahan sa lahat ng bagay, at lumipas yung mga sampung taon nagkahiwalay din po yung tito ko, may anak po sila matanda sa akin, ngaun po iniwan po nila yung bahay nila so kami po tumira ng lolo at lola ko, lumipas po ang mga 15 years bumalik po yung tiyahin ko at pinapaalis na po kami. Wala na pong tumutulong sa mga lolo ko at wala na din po kami matitirhan, yung tito ko naman po wala din pong magawa. Ano po ba ang karapatan ko sa bahay na tinitirhan po namen kung wala man po meron po ba akong karapatan para humingi po ng danyos at maipaayos ko po ang birth certificate ko, kasama na din po lahat ng government document na meron ako and marriage certificate and Birth certificate ng anak ko, sa kasalukuyan po kasi binebente po nila yung bahay, meron po ba akong karapatan mag habol sa kanila?
Yun lang po at maraming salamat po sa inyong pag tugon.