Nais ko pong humingi ng payong legal hinggil sa project based employment.
Ako po ay isang project-based employee na matatapos sa Dec 22, 2017. Kaugnay nito sinabi sa akin HR na mahohold ang buong sahod ko ng December at posibleng pati yung 13th month pay ay mahold din.
Tama po bang nakahold ang mga ito at after 1 month pa makukuha kasabay daw ng last pay ko?
Sana po matulungan ninyo ako. Maraming salamat po.