Ito po kase ang problem ko, nagpapagawa po ako ng glass divider sa bahay and may nagrefer po sa kanya sa akin. Dati rin po siyang gumawa sa office namin. Sa usapan nagkasundo po kami sa oresying 20k, pero hiningan niya ako ng downpayment na 10k (50%).. nagbigay naman po ako. Pinareceive ko sa kanya at nag issue siya sa akin ng official receip, na yung resibo po eh personal receipt niya pala. Umabot ang 3 weeks na wala siyang naidedeliver na materyales. Na ang usapan namin eh isnag linggo lang. and hindi na rin po siya sumasagot sa text or tawag ko. Kaya nagresearch po abt him. Natuntun ko po siya using fb page...pinabloter ko siya sa barangay namin at sa barangay nila sa pasay. Nun malaman po niya ang ginawa ko, kumontak na siya sa akin at sinasabing wala daw po siyang balak na lokohin ako. Nasira lang daw po talaga ang cp niya. Para daw po maniwala kami na totoo sinasabi niya, iiwan daw niya ang motor niya sa amin...na napag alaman ko sa mga papeles na pinakita niya, 2nd owner siya at hindi pa tapos ang bayarin sa motor...siya lang po ang nagtutuloy ng bayad. So pinagbigyan pa po namin siya ng isang pagkakataon, pero umabot na sa 2 pagkakataon wala pa rin siyang natapos na trabaho...hanggang sa pinapasoli ko nalang po ang pera ko. Humingi ng tawad ngunit hanggang ngayon hindi pa rin masoli ang pera dahil wala pa daw po siyang pera...nandito naman daw po sa amin ang motor niya...eh kahit nandito naman po anv motor niya hindi naman namin ginagamit dahil nga hindi naman amin ito...ano po kaya pwede naming gawin? Pwede ko po ba siyang sampahan ng kaso or ano po pwede naming gawin sa motor na ito...hope to hear po from you. Thanks