ito po ang kwento:
Nakabili mother ko ng house and lot before rights lang sya. so pangalwang bahay namin ito. since hindi pede ipangalan kay mother yun bahay kce nga yung 1st house namin under her name according daw sa housing before na di pede same name sa bibilhing rights. and hindi rin pede name sa amin kce mga bata pa kami.
therefore ipinangalan muna ito sa bunsong kapatid ng mother ko(tito namin). wala syang ginastos ni singkong duling sa mga paglakad ng papeles mother ko lahat. and kasunduan sila na in right age ipapangalan ito sa kapatid ko.
then dun na nga tumira ang tiyohin namin kasama ng kanyang mga anak. at mga ilang taon ang lumipas, tumira na rin dun ang kapatid ko kasama ng aming tiyuhin.
nagkaroon narin ng usapan at kasunduan na itratransfer na ito sa pangalan ng kapatid ko dahil nasa wastong gulang na. pirmado rin ito ng tiyuhin namin.
ang lupa ay natransfer at may TITLE under sa pangalan ng kapatid ko.
nagkapamilya na ang kapatid ko at kasama nya ang tiyuhin namin sa bahay habang tumatagal nagkaroon na ng gap at conflicts
kaya napagpasyahang paalisin na ang tiyuhin namin. tinulungan ng mother ko na makahanap ng lilipatan.
Ilang buwan ang lumipas kinasuhan ang kapatid ko ng Forcible Entry,
sya daw ay sapilitang pinaalis sa bahay at ang mga kasunduan ay pinilit lang daw sya papirmahin sa pag transfer ng lupa sa kapatid ko,fraud daw ang nangyari which is di naman totoo..
mga ilang kaso rin ang na file at ilang hearing..hindi lang cguro naipaglaban ng abogado namin ang kaso kayat. gang sya ay paboran ng korte. kaya ngayun dun na nakatira ang animal na tiyuhin namin.
mababawi pa kaya namin ang bahay at lupa, ano kaya ang pede namin ikaso laban sa kanya.. naka titulo na sya under sa name ng kapatid ko. hingi sana kami advice. thank you