Hello po. Ganito po kasi yun. Meron pong Fire Officer na nanligaw po sa ate ko, itong fire officer po sabi niya separated na po sila ng asawa niya at single na po siya.. So tinanggap naman po ng ate ko kasi matyaga naman nanligaw sa kanya. Bali po nag live in po silang dalawa for 2 years, ngayon po nabuntis po yung ate ko. Tapos lately po, nalaman po namin na ngkabalikan na sila ng asawa niya. Inabandona niya na po yung ate ko. Nababasa po ng ate ko ang text ng family ng guy na sipain yung bata wag kilalanin mga ganun po. Eh kabuwanan na po. Tapos itong fire officer po parang ayaw po mag sustento, so si ate po bilang helpless pinuntahan niya sa office ang lalaki, kaya lang po tinatago po siya ng mga kaopisina nya. Kumbaga po involved yung mga kaopisina nung lalaki sa panloloko sa ate ko. Ano po kaya ang pwede naming maihabol namin sa lalaki? Pwede po ba siya masuspend or matanggal sa trabaho? Salamat po