JUNE 23,2017 po ng hapon around 5:30 inihatid ako ng asawa ko sa sakayan. Friday po nun kaya nagpahatid ako at trapik. Habang binabagtas po namin ang Aguinaldo Highway sa cavite bgla pong may tumawid na babae mula sa kanan kahit po nakagreen light na yung ilaw sa stoplight at hindi ein po nya ginamit yun overpass dahil yung lugar na yun ay bawal tlga tumawid.
Dahil po dun, hndi nakapag full stop ang mister ko dahil huminto ang babae isang dipa na lang ang layo ng motor sa kanya. nabalian po ang babae ng buto sa binti at ang asawa ko naman ay nagtamo ng bali sa kanyang left clavicle.
June 27,2017 nagharap po kami ng parents ng babae sa police station para pag usapan un settlement/ aggreement dun sa nangyare. Sabi ng nanay nun babae, gusto nya daw ipasagot samin ang 2 buwang sahod ng anak nya na nagkakahalaga ng 19k per month at yun gastusin sa ospital. Sabi ng nanay ng babae, hndi pa daw sila naguusap ng mister nya. Binigyan nya po ako ng copy ng nagastos nila sa ospital na nagkkahalaga ng 6.9k at may pinirmahan po sya na kasulatan na 2 mos. ang babayaran namin na sahod ng anak nya. Nagtakda po sya ng muling paghaharap para mafinalize yung papanotaryong kasunduan.
2nd time na paghaharap -- July 1,2017
Sinabi ng nanay ng babae na hndi daw pumayag yung mister nya na ang babayaran lang daw namin ay 2 buwan dapat daw po 3 months na sahod at hndi daw 19k kundi 21k. Gusto din nya ipasagot samin ang magiging operasyong kung sakaling maoopera ito. Sabi nya 70k daw at hndi lalampas ng 80k ang maari naming bayaran. Sabi nya pag isipan daw muna namin. Sa totoo lang po wala kming ganun kalaking pera. Hndi po ako regular sa trabaho at sumasahod lang ng 5-6k isang buwan ang asawa ko naman po ay isang warehouse helper at alam naman po natin na di rin ganon kalaki ang sinasahod nya sa isang buwan. Nanlulumo po kaming umuwi sa bahay at pinag usapan mabuti ang alok ng babae.
Dahil po gusto na namin matapos na ang lahat, napag usapan po namin na papayag na lang kmi basta ang bayaran ang hindi biglaan at ito ang mgiging installment na babayaran namin from august to december 2017.
Ikatlong pagkikita namin sa pulis station, itinangi ng babae na hndi nya daw sinabing 70k ang babayaran namin kahit na 3 kaming nakaharap sa kanya. Sabi nya gusto nya daw bayaran namin ay 3 buwan na sahod at yung hospitalization at king maoopera daw sasaguting daw namin yun. Bukod pa don gusto sana namin kunin yung mga kaukulang requirement para po sa insurance ng sa motor pero ayaw naman po nila ibigay.
Ikaapat na beses na pagkikita -- gusto na po kmi papirmahin ng nanay ng babae sa kasunduan kahit wala pa po kming kabuuan ng halagang babayaran namin. Ayaw nya po pumayag na after na lang ng Aug 8 kc di pa sure kung maoopera yung anak nya o hndi. Sabi naman nya naka cast naman daw yung paa at yung bakal daw na pinapabili sa knila ng diktor ay nagkakahalaga ng 48k. Lalo po kming nanlumo dahil lalong lumaki po ang hinihingi nila samin. Yung sa asawa ko po ay inilalapit lang namin ang pampaopera sa kung san sang sangay ng gobyerno tapos ang laki papo ng hinihingi nila samin.
Tong byernes po nakatakda po kming magharap ulit para sa ikalimang beses na pag kikita.. ayaw po namin pumirma muna pero kung magkkasundo po sa hlaga na ibibigay nya dahil ang gusto sana namin ay may fix amount na ilalagay sa notaryo bago kami pumirma.
tanong ko lang po tama po ba na papirmahin na nya kami sa kasunduan na wala pang kabuuan ang babayaran namin. Natatakot po kasi kami na bka pag pumirma na kami e maglagay sila ng halaga na lalong di namin kakayanin at mag end up lang po na mabaliwala yung mga unang bigay namin kung sakali.
Kung magpapakaso po ba kami san po magfafall yung kaso reckless imprudence resulting to physical injury -- what kind po of physical injury? simple po ba? slight? serious ( yung babae po kc nabalian ng buto sa binti at kasalukiyan nagpapagaling na isang araw lang po sa ospital dahil nacast na din ang binti nya)
Kung magsasampa po ba sila ng kaso ikukulong naba agad agad yung asawa kokahit may bali pa po yung balikat nya at iniinda nya din ang pananakit ng ulo nya?
May laban po ba kami kc kung di naman po tumawid ang babae sa hndi tamang tawiran hndi naman po namin sya mabubunggo..
Gaano po kaya katagal ang imprisonment kung sakaling magpapakaso na lang kami? pde po kaya magpyansa the same day ng pagkakakulong if ever?
sana po masagot po ninyo ang mga katanungan ko kulang na po kc kmi sa oras at di na po namin alam yung gagawin namin. Gusto po sana namin na atlist alam namin yung sasabihin namin sa byernes July 28,2017. MARAMING SALAMAT PO!!!