Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Assume balance car

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Assume balance car Empty Assume balance car Fri Jul 21, 2017 4:22 pm

Macaneros


Arresto Menor

Good day everyone,

Magpapaadvice lang po sana ako, kasi currently residing po ako dito sa nevada, US. Before po ako umalis sa philippines.. pinaaassume ko po yung honda city 2017 ko po. Meron po kaming deed of sale stating na upon failure of payment.. mafforfeit po lahat ng binayad niya na downpayment at monthly obligations sa bank.. as of now po two months na po siyang natatalbugan ng check sakin at ayaw po niyang ibalik yung vehicle dahil ang gusto niyang mangyari ibalik ko po yung dinownpayment niya sakin. Ang sakin naman po, hindi ako pumayag dahil ang kakalabasan po parang nrent niya lang yung sasakyan ko. Lugi naman po ako. Nagoffer po ako ng 50% ng downpayment nila pero di din sila pumayag. Ask ko lang po kung anong best way po na gawin ko? Ang hirap po kasi andito ako sa US. Naghire na po ako ng atty at nagsend nadin po siya ng demand letter. Ask ko lang po kung puwede po ba na sabihin ko po sa bank na irepossess yung sasakyan tas isettle ko nalang po yung penalties. Pero as of now po updated po yung payment ko sa mortgage kasi iniiwasan ko po na masira ako sa bank kaya kahit nasa kanila yung vehicle binabayaran ko padin po. May matutulong po ba sakin yung police or nbi? Ano po kaya the best na gawin ko? Right now po kasi may commitment po ako sa work for the next few months at malapit nadin po ako sa shipdate ko sa airforce kaya hindi po talaga uubra yung schedule kung uuwi po ako ng pilipinas.

Thank you po in advance sa mga advices. Matulungan niyo po sana ako. Godbless po sa lahat!

2Assume balance car Empty Re: Assume balance car Sun Jul 23, 2017 1:13 am

kreezruxz


Arresto Menor

Sana po may sumagot, ganito din po sitwasyon namin Sad

3Assume balance car Empty Re: Assume balance car Sun Jul 23, 2017 5:33 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

technically, kung di pa fully paid yung kotse, wala kang karapatan na ibenta to sa iba since hanggat di ka pa bayad, si bank ang rightful owner ng sasakyan.

since nabanggit mo na may abogado ka na, mas maganda na sa kanya mo discuss kung anong pwede mong gawin.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum