I’d like to seek for an advise po sana. Way back 2015 po nangutang po ako sa isang loan shark worth 40k. At first okay naman po ang pagbabayad ko kaya lang dumating po sa point na hindi na ko nakakabayad ng buo per payout. Ang nagyari po is lumobo ng lumobo yung utang ko kase 20% po ang kinukuha nya sa bawat skip ng payment or may kulang. Halimbawa po kung 8k ang hulog kada payout, tapos nagbayad ka lang ng 4k papatong po ng 20% yun sa 4k na kulang which is isasama sa sunod na pay. So ang mangyayari po, 4k (balance) + 800 (20% ng 4k) + 8k(hulog kada payout) = 12,800. Dumating po sa point na hindi talaga ako nakakabayad kahit piso dahil nagkasakit ako at wala naman ako sinasahod pero tuloy tuloy pa rin ang interest hanggang sa nagdesisyon sila ng restructure. Ang lumabas po from 40k na principal, umabot na sya ng 100k+. Dahil sa ayoko po ng gulo pinirmahan ko yung contract na ginawa nila na nagsasaad na tatapusin na lang yung payment sa kabuuan ng computation nila.
Aminado naman po ako ng on and off ako angbabayad dahil mejo matagal din ako nawalan ng trabaho and kung may trabaho amn ako kulang naman ang sweldo ko para isustain ang pangangailangan ng anak ko, gastusin sa bahay at bayarin ko sa knya.
Gusto ko po sana malaman kung ano dapat ko gawin kase parang ang lumalabas po isang buong taon pa ko kailangan magbayad ng 5k kada sahod na parang walang nababawas sa binayad ko noon.
Kailangan ko po ng tulong nyo. Salamat po.