Isa po akong acting manager sa isang maliit na multipurpose cooperative.Pero wala po akong sahod dahil ang coop na yan ay binubuo ng mga empleyado kung saan ako nagtratrabaho. Ang Product namin ay fabrication, at finishing ng metal furniture kung saan doon din sa pinagtrabahuan ko e dedeliver.
Ang empleyado ng coop ay piece rate. meron akong empleyado na hindi na pumasok. tinawagan ko nag ring ang cell phone pero di sinagot tinitext ko nalang ito ung exact words ko sa text "Jr. may rush tayo, pinasahod mo na yun. Magsabi ka kung papasok ka ba o hindi. walang sagot. kinabukasan thursday pinapuntahan ko sya sa bahay nya pumunta naman sya ng tanhali pero hindi pa rin natapos ung kailangan tapusin. kinabukasa friday, saturday, monday, tuesday, wensday hindi na nagpakita. thursday just this morning ako na ang pumunta sa bahay nya. hindi ko naman alam warfreak pala yung kinakasama nya. sinabihan nya ako ang bilis bilis ko daw makagawa ng papel na yan. marami naman din daw ako nilabag na policy. medjo tumaas din ang boses ko kasi mataas boses nya kung babaan ko baka hindi nya marinig. Actually madali sanang kausap yung empleyado ko yung kinakasama lang ang hirap intindihin. Ngayon, pinapa baranggay ako ng kinakasama ng empleyado ko. bukas kami magharap 10:am. ang tanong ko po. Maylaban ba ako kung sampahan ko ang empleyado ko ng damages? pati na rin yung kinakasama nya? kung sakaling hindi nya mapatunayan ang accusation nya na pinagmumura ko daw sya at dinuro duro? ung sweldo ko ng isang araw puedi ko ba pabayaran sa kanya? salamat po.