Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Bad feedback from hr.

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Bad feedback from hr. Empty Bad feedback from hr. Wed Jul 12, 2017 9:45 pm

Naguguluhan28


Arresto Menor

Magandang gabi po. Hihingi lang po sana ako ng payo. Nag work po ako as manager sa isang Bpo company for 6 years. Nagkaron po ako ng sakit na depression at akoy hindi na pinabalik sa trabaho. Pinag loa po ako ng 6 na buwan at sinabihan na tatangapin pa after ko magpagaling. Dumating po ung araw na ako ay magaling na. Ni require po nila ako magpatingin sa doctor na sila ang pumili. Na aking sinunod. Binigyan po ako ng fit to work, ngunit di parin po ako pinabalik. Tinangap ko po at ako ay umalis. Ngunit kada ako ay magaaply po, nakapasa na ako sa interview at test, pag po magbabackground check ay negative po ang feedback ng aming hr. Wala po ba akong magagawa ukol dito? Magaling na po ako at walang sakit. Pero ang masakit, di ako maka usad at tila nilulugmok pa ng aking dating napasukang kumpanya. Wala po ba akong magagawa ukol dto? Salamat.

2Bad feedback from hr. Empty Re: Bad feedback from hr. Thu Jul 13, 2017 6:16 am

HrDude


Reclusion Perpetua

Paano mo nalamang negative ang feedback? BI's are somewhat confidential in nature e.

Pra sa bago mong kumpanya, e alamin mo ang rights mo. Masyadong 'malawak ang explanation mo ng 'nilulugmok' ka. Di namin maintindihan ang sinasabi mong nilulugmok ka.

3Bad feedback from hr. Empty Re: Bad feedback from hr. Thu Jul 13, 2017 6:42 am

Naguguluhan28


Arresto Menor

Good morning po. Nag apply po ako sa isang company sa bgc. Ang magiging superior ko po ay aking kaibigan. I am done with the test and final interview and he forwarded the results to hr. However he received a feedback from hr nila na they consulted my last company's hr and they were informed na I had a mental breakdown and was on leave for quite sometime and not productive during my last year. Thus the new company po ay ayaw na ako ihire. Thinking na may sakit parin po ako... Nahihirapan po ako makahanap ng trabaho. Bali tatlong kumpanya na po ang na final interview ako pero hindi ako tinatangap pagkatapos ng kanilang sinagawang "evaluation" ang alam ko lang po ay dun sa company ng aking kaibigan. Hindi ko naman po matanong ung sa ibang company kung ano ang kanilang reason. Natatakot lang po ako na hindi na makahanap ng trabaho kung patuloy na sasabihin ng dati kong hr ung about sa naging sakit ko po. Hindi po ba un included sa aking rights na hindi ipaalam sa iba ang aking naging medical condition? Salamat.

4Bad feedback from hr. Empty Re: Bad feedback from hr. Thu Jul 13, 2017 12:08 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

they were informed na I had a mental breakdown and was on leave for quite sometime and not productive during my last year.

hindi ba totoo tong part na to? kasi if totoo to, walang nilabag ang dati mong HR at nagpapaka honest lang sila. hindi nila trabaho na idefend ka sa bago mo na lilipatan na magaling ka na. I would advice na idisclose mo na agad yung medical history mo at magpagawa ka ng letter from your treating physician na ok ka na. however, at the end of the day, kumpanya padin ang magdedesisyon kung magririsk ba sila na tanggapin ka.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum