at malakas, bigla nalang nagsimulang tumagas ang tubig sa kisame ng kwarto ng bahay, at nagdudulot ito ng baha sa luob mismo. Ito ay amin ng idinulog sa may-ari ng bahay, ngunit ang sagot nya po saamin ay ganoon po daw talaga at dahil sa pag apaw daw po ito ng alulod. Tinanong po namin kung maaayos pa, ang sabi ay hindi na daw po ito maaayos. Sa madaling sabi ay alam po nila na ganoon ang lagay ng alulod at kapag lumalakas ang ulan ay nagdudulot ng pagtagas ng tubig sa luob ng bahay.
Ang tanong ko po, ano po ang maaaring aksyon na pwedeng gawin para dito? Hindi po ba sila obligado na ipaalam saamin na ganoon ang sitwasyon ng bahay bago ito paupahan?
PS: Hindi na po namin ito naitanong sakanila dahil ang pagkakasabi po ay maayos ang bahay. Wala po kaming kasulatan(Written Contract) na pinirmahan. Ang bahay po ay 2 palapag at my 1 ekstensyon. 3 pamilya po ang nakatira sa buong bahay. Kami ay naka pwesto sa unang palapag ng bahay. Ang buwanang renta po namin ay 9k. 1 month advance, 1 month deposit.