mayroon lamang po ako katanungang legal tungkol po sa isang kumpanya na nililimitahan o kinakausap nila ang kapwa nila kumpanya particular sa semiconductor or electronics field na huwag i-hire ang mga empleyadong inhenyero na nanggaling sa kanila.
Halimbawa: ang mga empleyadong inhinyero na nais na magresign ni company A ay hindi maaari mag apply o ma-hire o lumipat kay company B at company C sa kadahilanang kinausap ni company A sina company B at company C,o hindi kaya ay nilimitahan ni company A na isang empleyado kada anim na buwan lamang sila maari maghire na galing sa kay company B.
Lumilipat ang mga empleyado sa mga kadahilanang mas maganda ang mga benepisyo ng ibang kumpanya.
Ang tanong ko lamang po ay legal po ba na kausapin ni company A ang ibang kumpanya para harangin o limitahan ang mga gustong lumipat?
May batas po ba tayo dito?kung maari po ay kung pwede ko po ito malaman may probisyon po ito o mayroong numero ng batas at artikulo.
Kasama po kaya ito sa mga arrangement ng samahan ng mga semiconductor company o tinatawag na SEIPI.
Maraming Salamat po