I had a friend na pinahiram ko ng $20,000 to pay her debts dahil makukulong siya dito abroad dahil nangutang sa Money Lenders. Paunti unti nyang binayaran, andaming nirarason, lahat na kasinungalingan at totally hindi na nagbayad. Nalaman ko nlng na nkaalis na siya dito abroad dahil nun time na tinawagan ko cya sa company nya para singilin cya, nalaman ko na ninakawan nya pala ang employer nya dito. Nagfile ng police report ang employer at kinausap ko rin ang boss nya na nagpautang rin ako ng malaking halaga. Walang nkakaalam kung nasaan ang taong ito ngayon. Hinananap ko na sa pamilya at mga kaibigan nya pero pati sila tinaguan narin ng taong ito. Pinahanap ko sa private investigator sa Pinas pero hindi na nakatira doon sa bahay nila ang mga magulang at kapatid nya dahil sa matagal na daw hindi nagpapadala. Kinausap ko na lahat ng pamilya at kaibigan nya pero wlang nkakaalam kung nasaan cya. Ako naman ngayon ang nangangailangan ng pera dahil may sakit ako at kailangan kong magstop sa pagttrabaho soon. Paano ko hahanapin ang taong ito para sampahan ng kaso? Pwede ko ba cya sampahan ng kaso sa NBI dahil sa panloloko nya at pagtakas sa utang nya kahit nangyari ang transaction abroad? I really need your advice. Thank you.