1. Ako po at ang aking kaibigan ay nasangkot sa kasong slight physical & less serious injury last 2013 pero dahil sa mediation, nagka aregluhan at binayaran namin ung complainant, na-dismissed na po ito. Pero laking gulat namin dahil nalaman namin this year lang (2017) dahil kumuha yung kaibigan ko ng nbi, nakita nya na wanted ang status nya sa ibang kaso nman (unintentional abortion daw) at yung dating complainant ulit ang nagsampa ng bagong kaso..at sinampa nila ito last 2015..nag alala din ako kasi alam ko same lang kmi ng kaso. Talagang nagulat kami dahil wala na kaming alam sa bagong kasong isinampa na naman nila sa amin kaya nakakalungkot at nakakdismaya.
Ang tanong ko lang po...maari po ba na magsampa ulit ng bagong kaso ang same complainant kahit na-dismissed na ang mga naunang kaso namin...at ang ikinaso nila e kaugnay din sa mga na-dismissed na.???
2. Pangalawa po, kasalukuyan pong nasa ibang bansa ako.ano po ang pwedeng gawin ko at maari bang ma-hold ako sa airport dahil nagbabalak pa naman ako na magbakasyon..
Salamat po sa sasagot...