Hello po need ko lang po sana ng advice...May property po ako sa Laguna (House & Lot) ang Developer po nito ay ang kumpanyang pinagt-trabahuhan ko dati, naka bank finance po ito or nagloan thru bank payable in 15 years. Nung nagt-trabaho pa po ako ay mababa lang ang binabayaran ko dahil tinutulungan pa ako makabayad ng company, salary deduction po pala ito , dahil sila ang direct na nagbabayad sa bank, nung nagresign na ako buo ko ng binabayaran ang monthly ko pero hindi pa ako pdeng direct magbayad sa bank dahil may arrears pa ako sa company dapat daw ma-settled ko muna bago daw ako makapagbayad ng direct sa bank, 7 1/2 years ko na syang binabayaran as of now, ngayon po plan ko na po syang ibenta or ipatuloy sa iba ang paghuhulog, may nagka-interes naman po na kumuha, pumayag naman po sila na sila na ang magbabayad ng monthly ko sa bank, sila na din ang magbabayad ng arrears ko sa company..then yung mga nahulog ko naman ng 7 1/2 years ay babayaran na lamang nila sa akin sa dulo na po or after 7 years, pumayag naman po ako. Ngayon po nais lang po naming malaman kung pwede po ba yung ganitong arrangement? Pano po ba gumawa ng contract sa ganitong case? Gusto po kc ng buyer ko ay yung protektado sya kc nga po sya na yung maghuhulog gusto nya po sanang ipa note sa registry of deed na dahil sya na yung naghuhulog, ay walang sinuman kahit ako (seller) na maibenta pa yung property, parang ok lang naman po sa akin yun, pero syempre po gusto ko din sa part ko na protected din ako, ang gusto ko lang naman po eh sure na maibabalik sa akin yung naihulog ko na po ng 7 1/2 years. At doon naman po sa pagbabayad namin sa company nais din naming makasiguro na lahat ng ibabayad namin ay naibabayad nila sa bank. Sana po matulungan nyo akong gumawa ng contract..Salamat po!
Free Legal Advice Philippines