Hingi sana ako ng advice regarding sa adopted child namin. Newly born siya nung ibinigay sa amin at ipinangalan sa amin yung birth certificate ng bata na kami ang parent niya. Pumirma sa kasulatan yung ina ng bata na kusang loob niyang ibinigay yung anak niya sa amin at testigo ang kanyang mother o lola ng bata.
After a few days, may napagtanungan kaming lawyer kung paano ilegalize yung adoption ang sabi niya kung nasa pangalan na namin yung bata, wala ng problema, so we held on to his word. Lately meron akong napanood na program sa TV na tackled yung issue about adoption at nasabi dun na yung ginawa naming process ay falsification of legal document.
Gusto ko sanang ilegalize yung adoption ng bata, sa ngayon ay 6 years old na siya.
Anong mga steps ang dapat naming gawin at paano ang mga proseso nito.
Maraming salamat and God bless.