itatanong ko lang po ung sitwasyon namin ukol sa pinagtatalunang portion ng lupa.
ang tatay ko ay isa sa sampung magkakapatid na nakapagmana ng lupa mula sa kanilang mga magulang.
binili ng tatay ko ung share ng 3 sa magkakapatid mga year 2004, bawat isa ay may deed of sale na pirmado nila at notaryado.
ngayon, namatay ang tatay ko last 2015 at namatay din ung isang kapatid[Vinze] last 2016 na nagbenta ng share nya.
ang problema namin ngayon eh, naghahabol ung asawa at anak[ampon] ni Vinze dahil daw may karapatan sya sa lupa.
Questions:
1. May karapatan po ba ang asawa at anak[ampon]?
2. Conjugal property po ba ang mana?