Balak po kasi namin bilhin ang lupang kinatitirikan ng bahay namin na halos 30 yrs na po namin tinitirhan.
Ang lupa pong ito ay pinamana ng mga namayapa kong lolo at lola sa mga anak nila, 8 po kasama na po ang nanay ko dun.
Nabayadan na po namin ang lahat ng mga kapatid ng nanay ko maliban sa 1 na humihingi po ng mas malaking kabayadan, halos 4x po ng ibinayad namin sa ibang kapatid nila.
Ngayon po, pwede po bang iwan na lang yung parte ng lupa nya na halos 20 sq.meters lang naman para maipagawa na po namin yung titulo? Wala po kaming balak na bayadan sya dahil halos lahat naman po ng kapatid nya ay pumayag sa halagang napagkasunduan, sya lang po talaga ang pasaway.
Pinapipirma po namin sya sa isang letter na sinasabing pumapayag syang iwanan yung parteng lupa nya,pero di po sya pumirma.
Ano po kaya ang magandang gawin para maipatitulo na po namin yung lupa?
Kami po pala ang nagbabayad ng tax declaration mula nung una pa.
Thanks po in advance