Good afternoon po. Itago na lamang po natin ang pangalan ng kaibigan kong lalaki sa pangalang Adan at Eva naman para sa kanyang asawa sa papel. Bale si Mark ay 20 YEARS OLD ng magpasyang magpakasal. Pinagsisisihan ang desisyon na kanyang ginawa pagkatapos niyang pakasalan ang kanyang dating kasintahan na si Eva upang panagutan ang ipinagbubuntis nito na hindi naman sya ang Ama. Naawa sya rito dahil sinabi nito sa kanya na matatanggal ito sa trabaho dahil sa kanyang imoralidad na nagawa. Hindi po alam nung pamilya ni Eva na hindi talaga si Mark ang Ama ng ipinagbubuntis nito at dahil sa galit ng Ama ni Eva ay binugbog nito si Mark na nagtulot ng trauma sa kanya (Mark). Ginawan agad ng paraan ng pamilya ni Eva na makasal ang dalawa, gayong nasa 20 taon pa lamang si Mark kaya't ipinasya ng pamilya na humingi ng tulong sa munisipyo upang ibahin ang petsa ng kasal upang hindi na kailanganin ang parent's consent ni Mark. Kung sa mismong petsa ng araw ng kasal ang titingnan ay 20 taon pa lamang si Mark. Hindi sila nagsama bilang mag asawa.. mag asawa sila sa papel pero knowing the essence of marriage, hindi sila nagsama bilang mag asawa, hindi sila tumira sa iisang bubong, walang love at walang sex... 2 taon pa lamang po ang nakalipas ng sila ay ikasal, sa akin pong pagkakaalam ay may 4 o 5 taon para ma invalidate ang kasal, tama po ba? Ano po ba ang magandang gawin ni Mark gaano po kaya katagal ang magiging proseso nito? ? Maraming salamat po.