ask ko lang po sana pwede ko ho bang sampahan ng kaso ang inutangan ko ng 6k ? ito ang salaysay ko last year po nakautang po ako sa ng 6k sa pamamagitan ng mama ko sa kakilala nya bale 3 beses na ako nakakkuha sa kanya una 3k below at pangatlo 6k na po yung 2 bese po isang bayaran po kasam na tubo pero yung pangatlong beses ko na 6k nahirapan na po ako magbayad nagulat po ako sa systema na pautang sa 6k kada 15 days po pala tutubo ng 1.200 ang 6k kapag di ko na bayaran di ko po alam na ganun sistema nang pagpapautang nya kasi yung 2 unang kuha ko po isang bayaran ang ginawa ko. pero po yung sinisingil na nya ako ng 6k at tubo,,nagsabi po ako na hindi ko na kaya bayaran ng isang bigay ang 6k at tubo kung pedeng hulugan na lang pumayag naman po sya sabi nya dagdagan ko na lang ng 2 tubo bale 6k + 2.400 ang babayaran ko,,naka 9 na hulog na po ako na 1.200 sa kanya = 10.800 nagulat na lang po ako na sinisingil pa nya ako ng 6k plus !,,at sinisiraan po nya ako na hindi raw ako nagbayad ang hinaharrass po nya ang mama ko kasi mama ko po raw ang kausap.. at pinarating pa ho nila sa trabaho ko po na hindi po raw ako sumunod sa usapan ,,tinakbuhan ko po raw ,,lumipat na po kasi ako ng bahay pero alam naman ng mama ko kung saan ako nakatira at alam nila ang contact # ko po.. narinde lang po kasi si mama sa kakulitan ng nagpapautang,,sila po kasi may utang din duon at di mabayad bayaran kasi sa sobrang laki ng tubo.. ano ho ba ang pwede kong gawin para matigil na po ito? maraming salamat po