Hi atty, i would like to seek for advice, recently i was threathened to be sued for estafa. I was a middle man for the purchase of coffee, un dati ko po kasi business partner have stocks of coffee tapos un friend ko po na may coffee shop sa kanya po kumukuha ng coffee through me. Nag order po sila sa akin ng 37,000 worth ng coffee dineliver po nun business partner ko sa kanila last september 2016. Wala po payment nun delivery, wala rin po receive or any document na pinirmahan sa coffee products. Nagbayad po sa akin ng installment un kaibigan ko for 6 months pero di ko po naremit un payment nagamit ko po un payment nila sa ibang bagay na alam ko po mali until this april naningil un partner ko di ko po nabigay un payment. Nalaman po nya na bayad na sa akin un coffee, and kasuhan daw po nila ako. May laban po ba ako sa kaso kung wala naman po sila pinanghahawakan na kahit ano dokumento basta usapan lang po. At gusto rin po nila idamay un friend ko pero wala po siya kinalaman sa di ko pagremit ng payment. Gusto ko rin po magsettle na hulugan pero ang gusto po nila ay i pay it in full sa ngayon po ay wala pa ako capacity magbayad. Salamat po sa sasagot.