Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Slight physival injury under VAWC

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Slight physival injury under VAWC Empty Slight physival injury under VAWC Sun Apr 30, 2017 1:54 pm

RitaAm


Arresto Menor

Hi I am seeking for legal advice for slight physical injury and abandonment for my friend.

Scenario is yung friend ko at ang kanyang legal wife ay nag confront sa kanyang office with his client na ina aassume na kanya itong mistress, but that was few years ago.

Nag hysterrical ang kanyang wife to the point na binabato nya lahat ng mahawakan sa babae nung magpang abot ay sinaktan nya ito at nag aattempt na hubaran.

Sa pag ppumulit ng lalaki na awatin ito siya ang sinasaktan ng kanyang legal wife at ng magkaroon sya ng chance na awatin o paghiwalayin sila itinulak nya ng 2 beses ang legal wife.

But the wife claimed na sinikmurahan siya neto at pinadampot ang kanyang husband kinabukasan.

Sa police station wala sya pinakitang medical record for evidence na sinuntok sya abdomen part.

Kahit womens desk sinabi na wala naman sya injury. Meron syang maliit na pasa sa leg part pero ito ay cause ng kanyang pag wawala.

He was arrested again for the same case kasi ang ginagawa nila pinapadala sa wrong address ang subpoenas para di nya mareceive yung notice.

Nakulong sya ng almost a week ng walang kasalanan.
Mag pproceed ulit ang hearing soon.

May question is may possibility ba na magkaroon ng laban ang friend ko para sa maling pag aakusa sa kanya?

Thank you in advance for any advice and reply.

2Slight physival injury under VAWC Empty Re: Slight physival injury under VAWC Sun Apr 30, 2017 5:33 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

may laban sya kung wala naman maiproproduce na proof ang nagreklamo.

3Slight physival injury under VAWC Empty Slight physival injury under VAWC Mon May 01, 2017 6:06 pm

RitaAm


Arresto Menor

Yes but sa first hearing sa fiscal meron na daw sya pinakita.
But di pinansin ng fiscal, instead nanghingi ng kasunduan na kung magkano lang na 10k oang ang papayagan na sustento ng lalake.

Question

1. Hindi ba magkakaroon ng doubt sa credibility ng medical kung more than a week na nilabas yung result. Ang dami kasi nagsasabi dapat within 24 hrs may result na?

2. Ano ang pwede ikaso sa babae dahil nakulong si lalake ng walang kasalanan?

Section 5 (a) kasi cn claim nya sinikmurahan daw sya pero yun nga wala naman sya fractures o pasa kinabukasan nung nag kita kita na sila presinto

Section 5 (i) for non support or abandonment pero madami documents na before sya hulihin nung 2012 nag papadala naman talaga sya ng support atleast 30k monthly plus tuition ng mga bata. Pero ang hinihingi 75k monthly. Kaya ina advice sya ng atty nya na wag muna mag bigay ng support hanggang di nakakapag settle sa mga rights nila. Na hinhingan si babae ng kasulatan ng fiscal pero di na sya nag bigay. Kasi naliliitan sa pinapadala sa kanya.

Tas hindi pa siya binibigyan ng rights sa mga bata.

3. Labag ba sa batas yung pag mali ng address ng subpoena kasi yun yung reason kaya nakulong sya ng 5 days. Wala syang natatanggap na notice kaya di siya nakaka aattend ng hearing. Ano pwede namen pang laban dun?

Maraming salamat.

4Slight physival injury under VAWC Empty Re: Slight physival injury under VAWC Mon May 01, 2017 7:31 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

1. Ang korte ang nagpapasya sa validity/ credibility ng pinasa na evidence since ineexamine nila to.
2. kung mapatunayan na inosente ang nasasakdal, sa pagkaka alam ko pwede syang magseek ng damages para sa araw na kinulong sya.

hindi po kailangan na magka fracture para lang Makita na may nangyari na physical injury. pwedeng pasa or trauma sa katawan.

kung may support naman na binibigay yung lalaki, ibig sabihin baseless accusation yung sa reklamo ng babae sa support. tama yung abogado na ipatigil ang suporta habang wala pang conclusion yung case since korte ang magdidikta kung ano ba talaga ang fair amount para sa sustento.

3. yung address kasi sa subpoena as long as may nagreceive nyan eh considered na yan na "served" at tutuloy ang kaso. pwede nyo icheck sa korte kung sino ang nagreceive nung mga summons para malaman nyo kung may di karapat dapat ba na nangyari.

5Slight physival injury under VAWC Empty Re: Slight physival injury under VAWC Mon May 01, 2017 8:54 pm

RitaAm


Arresto Menor

Ok thanks!

For physical injury po ulit.

Nung kinabukasan po kasi ng umaga dinampot agad siya. So nung nagkita sila sa presinto kausap sila at na check ng womens desk yung babae pinag tanggal ng damit at wala naman talaga siya pasa sa abdomen part aside sa maliit na pasa sa leg na nag ccontradict sa cn claim nya na sinuntok nga siya ni lalake sa tiyan. Naalala pa nga ni lalake na sinabi ng police women na "misis wala naman po kayong pasa eh" at si lalake ang maraming pasa at sugat sa katawan dahil sa ginawang pagwawala ni babae at sinabi ng police women "eh kuya kayo po dapat ang nag pa medical". Sabi ni lalake itinulak lang daw nya ng 2 beses si babae kasi halos gusto daw patayin ni babae yung client/babae ni lalake nag aattempt kasi itong gulpihin ito at hubaran. Na ipush daw nya ng malakas sa 2nd time para mapaghiwilay ito.

Ang tanong ko po ulit.

1. Yung na witness po ng police na wala naman pasa si babae . Dn document po ba nila ito in details?

2. That time kasama nila anak nila inuutusan ng nanay nya na mag witness against kay lalake nung una di pinayagan ng korte kasi menor de edad. Pero ngayon kasi kaka 18 lang. Di ba bias yun? Since na mamanipulate nya yung bata?

2. What will be the worst case scenario para kay lalake ngayon na re-open ang hearing? If pumanig kay babae ang korte. Makakapag bail pa ba siya?
Gaano katagal usually ang sentence sa mga ganito?

Maraming salamat po ulit.

6Slight physival injury under VAWC Empty Re: Slight physival injury under VAWC Tue May 02, 2017 2:16 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

Sabi ni lalake itinulak lang daw nya ng 2 beses si babae kasi halos gusto daw patayin ni babae yung client/babae ni lalake nag aattempt kasi itong gulpihin ito at hubaran. Na ipush daw nya ng malakas sa 2nd time para mapaghiwilay ito.
pwede po na yan ang basis dun sa kaso since may admission ng pananakit nun lalaki sa nagreklamo. kahit walang pasa or Makita anuman eh kung may pag amin naman eh may laban yung nagrereklamo.

regarding your question
1. hindi po pulis ang authority na nagiissue ng medico legal. medical institutions po.

2. hindi na po considered na bata ang 18 at legal age na to. sa mata ng batas, may sarili na syang pagiisip kaya kung ano man ang testimonya nya ay kikilalanin na sarili nya itong pananaw.

3. ang korte ang nagdedecide kung pwede mag post ng bail ang nasakdal. depende po sa kagrabihan ng crimen yung tagal ng pagkakulong. korte din ang magdedecide nito.

7Slight physival injury under VAWC Empty Re: Slight physival injury under VAWC Tue May 02, 2017 6:19 pm

RitaAm


Arresto Menor

Kahit po ba na unintentionally na saktan yung babae at nag ttry lang siya umawat? Kung nag ccontradict ang statement nya at ang medical nya sa korte, mas pinapanigan pa rin po ba sa korte ang babae na nag akusa dahil siya ay babae?

I really appreciate your reply.

Again, thank you.

8Slight physival injury under VAWC Empty Re: Slight physival injury under VAWC Tue May 02, 2017 6:23 pm

RitaAm


Arresto Menor

And regarding summons na di na receive. Binalikan ulit yung dating opisina nila, but sabi ng admin di daw sila nakatanggap ng summons at wala daw sila na rreceive. Pati sa permanent address ng lalake wala. Yun lang din naman ang address ng nasa summons.

Ano ano po ang pwede pang counter demand regarding dito pag napatunayan na dinaya si lalake para lang maaresto at makulong?

Salamat.

9Slight physival injury under VAWC Empty Re: Slight physival injury under VAWC Wed May 03, 2017 12:53 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

opo kahit unintentional eh liable padin sya. magka iba po ang witness statement at medico legal. hindi po pumapanig ang korte dahil lang babae ang nagreklamo. ang desisyon ng korte eh ayon sa mga facts na inilahad sa case.

sa korte nyo po icheck kasi meron silang sheriff na nagdedeliver nun mga summons. sila makaka sagot kung saan ba pinadala yung summons.

10Slight physival injury under VAWC Empty Re: Slight physival injury under VAWC Mon May 08, 2017 6:00 am

RitaAm


Arresto Menor

Is there any chance na mapatunayam nmen na fabricated lahat ang evidence niya espevially yung medical records niya?

11Slight physival injury under VAWC Empty Re: Slight physival injury under VAWC Mon May 08, 2017 1:19 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

mahirap gawin yun kasi para mangyari yung eh kailangan nyo patunayan na may sabwatan ang nag issue ng medical records at ang patient. ang magiging kalaban nyo dito is yung ospital/clinic.

12Slight physival injury under VAWC Empty Re: Slight physival injury under VAWC Mon May 08, 2017 1:57 pm

RitaAm


Arresto Menor

Is there any probationary na pwede ma request and i grant once convicted for VAWC physical injury?

13Slight physival injury under VAWC Empty Re: Slight physival injury under VAWC Mon May 08, 2017 1:59 pm

RitaAm


Arresto Menor

Di pwede mag claim ng self defense ang lalaki kahit siya naman talaga ang ginugulpi that time? She was just pushed papalayo para tumigil na siya. Mejo unfair. 😔

14Slight physival injury under VAWC Empty Re: Slight physival injury under VAWC Mon May 08, 2017 2:14 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

pwede naman sya magclaim ng self defense pero korte na ang bahala mag husga kung sino ang nasa tama. regarding probation, sa pagkaka alam ko pwedeng request ng abogado to sa korte if may merit ang request pero korte padin ang magdedecide kung ano ang ihahatol sa nasasakdal.

15Slight physival injury under VAWC Empty Re: Slight physival injury under VAWC Tue May 09, 2017 9:59 pm

RitaAm


Arresto Menor

Irreconcilable po ba ang physical inury pag once nadampot ka kahit walang warrant?

16Slight physival injury under VAWC Empty Re: Slight physival injury under VAWC Wed May 10, 2017 1:55 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

Panong irreconcilable?

17Slight physival injury under VAWC Empty Re: Slight physival injury under VAWC Fri May 12, 2017 2:13 pm

RitaAm


Arresto Menor

I mean at first pa lang na na witness ng mga officer sa station kung bruised or may traumma man sa complainant ay di nila pwede ipag reconcile ang complainant and the accused?

18Slight physival injury under VAWC Empty Re: Slight physival injury under VAWC Sun May 14, 2017 1:49 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

hindi po kasi nila (pulis) trabaho yun kaya di mo sila pwede questionin kung bakit walang reconciliation. abogado na usually nagaarrange nito.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum