Hello po. Ask po sana akong advice regarding sa situation ko ngayon. Twins po anak ko pero hindi ko cla kasama ngayon. Ang isa nasa mother ko, ang isa nasa father nila. Hindi po kmi kasal. Naghiwalay po kmi ng tatay nila nung 1 yr and 2 months ang kambal. dinala ko yung isa at iniwan ko ang isa. Iniwan ko yung isang anak ko sa tatay nila kasi may sakit xa, hydrocephalus. 19 po ako nun, walang trabaho, nag stop ng school. dahil parati kmi nag aaway pinayuhan ako ng parents nya na lumayo na lng. dahil wala kong means matustusan yung anak kong may sakit, iniwan ko xa dahil may pera yung pamilya ng tatay nila, inisip ko na mas maaalagaan xa kesa sa akin. ayoko ko rin iwan yung isa dahil gusto ko makasama ko man lng kahit isa sa kanila. Umuwi ako sa mama ko at kinukopkp nya naman kmi ng anak ko. pinag aral nya ulit ako at ngayon gradute na. 12 yrs old na ang kambal ngayon. May asawa na rin ako at may anak kming isa. Nung 2010 sumama na ako sa dito sa bahay ng asawa ko at yung anak kong isa sa kambal, naiwan sa mama ko dahil naalagaan nya naman at napapaaral. Nung nagkawork ako 2013 hanggang kasalukuyan nagsimula na akong magbigay ng sustento sa anak ko. at dito rin xa natutulog minsan. Last year, nagpuntang Canada ang asawa ko at gusto kmi i sponsor kasama ang anak kong isa sa kambal, pero ayaw ipasama ng mama ko at nagkasagutan na kmi. Ayaw nyang dalhin ko ang anak ko at marami xang sinasabing mga dahilan na hindi ko malaman ung saan nanggagaling. Pero sa tingin ko ayaw nya lng talagang ipadal dahil ayaw nyang mapag isa. Pls tulungan nyo po akong makuha yung anak ko sa nanay ko. ano po dapat kong gawin? Marming2x salamat po.