1.)Pano po ba custody ng baby ko? And yung visitation rights ng father niya?
bata pa po kasi masyado si baby kaya gusto ko po sana na yung father na muna yung pumasyal sa anak namin dito sa bahay ng parents ko. Pero never niya dinalaw ang anak namin.
Ngayon po, Nagusap lame na every weekends pwede niya kunin si baby ng morning pero ibalik niya rin sakin ng afternoon pero ayaw po niya. Gusto po niya overnight.
Pwede po ba na wag muna i allow ang overnight ng baby sakanila since 3 months palang naman to?
2.) unemployed po ako at this time kasi ako pa nag aalaga kay baby. Pero may online shop po ako at dun po ako kumukuha ng pangg gastos ni baby kasi hindi naman lahat ng gastusin ni baby binibigay ng father niya. Pwede po ba mawala sakin ang custody ng baby ko?
3.) kung mag aabroad po ako and mag work pwede ko po ba iwan sa parents ko ang baby namin? Or mapupunta sa ex husband ko and custody ng baby?
4.) yung binibigay niyang support po sa baby is yung milk lang and diaper. Pinapahatid niya po dito. Okay lang po ba yun or dapat monetary support po and full support po?
5.) medyo hessitant din po ako na ipahiram si baby sakanila kasi baka hindi na nila ibalik sakin ang baby ko. Nung nanaganak po kasi ako, habang nasa hospital pa po ako, yung ate ng ex husband sinabi niya na kukunin daw po nila yung bata. If ever makarating po kame sa korte, pwede ko po ba sabihin yun bilang isang dahilan kaya ayaw ko ipahiram ang baby sakanila?
Please enlighten me po. Para alam ko gagawin ko po kung sakali. Thanks po.