May nabili po akong lupa sa Probinsya noong Marso 2016, 1,800 + SQM. sa halagang 100,000.00
Nakapaloob po ito sa Isang Titulo na naglalaman ng 3,700 + SQM. kabuuhan ng lupa at nakapangalan pa sa orihinal na may ari na pumanaw na Anim na Taon bago ko nabili ang lupa.
Nabili ko po yung lupa sa Apat na Tagapagmana (Mga Anak). Hinati-hati po nila sa Apat
yung lupa at yung dalawang kabahagi po ang nabili ko. Maayos naman po ang kasulatan, Notaryado at may Lagda silang lahat.
Ang pinoproblema ko po ngayon ay kung paano ko po ipapalipat sa pangalan ko yung titulo ng lupa na nabili ko gayung hindi pa ito nalilipat sa pangalan ng mga tagapagmana at wala pa silang ligal na kasulatan o kasunduan sa pagkakabahagi ng lupa.
Ito po ang tanung ko:
1. Anu po ang dapat kung gawin o paano po ang tamang hakbang o proseso ng sa ganun ay maisalin sa pangalan ko ang titulo ng lupa o parte ng lupa na nabili ko?
2. Ang unang hakbang po na ginawa ko ay pinasukatan ko yung lupa na nabili ko. Ngunit hanggang ngayon (Marso 2017) ay wala parin daw yung plano (Blueprint) ng lupa ang sabi nung nagsukat (Surveyor). Tama po ba na yun ang una kong ginawa at may posibilidad po ba na umabot ng isang taon o higit pa bago lumabas ang sukat ng lupa?
3. May posibilidad po ba na habang tumatagal na hindi ko naisasalin sa pangalan ko ang titulo ay magkaroon din ako ng karagdagang bayarin sa buwis? Paano ko po malalaman ang halaga o kung magkano?
Sana po ay matulungan nyo ako.
Maraming Salamat po sa inyo at Patnubayan nawa tayo ng Panginoon..