9 years ago namatay po ang tatay namin at may iniwan na bahay at lupa sa amin, since then hindi kami nagbabayad ng kahit anong tax sa government. We are all minors at that time kaya wala po nagasikaso sa mga legal obligations ng bahay at lupa even ung titulo ay nakapangalan pa po sa tatay namin. Gusto ko lang po sana itanong kung anong dapat kong gawin dahil baka kunin samin ang bahay dahil hindi kami nag babayad ng amilyar for the past 9 years. additional Info lang po, ung lupa is binigay lang ng government or relocation site from the Mt. pinatubo eruption noong 1991. And the hindi titulo ung hawak namin, parang lang po siya certificate ganun daw po kasi un pag galing sa gobyerno.
Thank you po.