Hi,
I'm Christine, working at BPO Company dito sa BGC. Mag four (4) years na po ako this coming June 24, 2017. I just need clarification kasi po gulong gulo po ako sa proseso ng management. I was tagged RTWO due to 2 days absences. I was able to advised the management that I can't go to work dahil sa may sakit ako. ( papular urticaria/recurrent UTI).
Year 2015 naoperahan ako twice, Feb 2015 "Nasal polyps surgery" and Oct 2015 "Functional Endoscopic Sinus Surgery". After my surgery I still managed to go to work pero kakambal nun yung madalas ako magkasakit. Everytime na I feel sick and feeling ko hindi nasa kondisyon katawan ko nag se-secure ako ng medcert. Never ako nawala sa office nang walang medcert or notification. Madalas apple of the eye ako ng superior ko. napagsasabihan ako ng supervisor ko which is naiintindihan ko kasi naapektuhan standing ng team. Kahit nga may sakit ako pumapasok ako hanggat kaya ko. Ang ginagawa ko bago mag log in dumaaan ako clinic para huminge ng gamot. Minsan pa nga napapa sent home ako ng clinic.
Jan 26, 2017 habang nasa office ako sobrang namantal mukha, balikat pati katawan ko. Nagpaalam ako sa supervisor ko na aakyat ako clinic para magpa check. Walang gamot sa clinic so ang ending sent home po ako.
Jan 27, 2017 pumunta po ako medical city para sana magpa check up. Ang problema wala po yung doctor so I decided na umuwi and tinext ako ng medical city staff na next week pa available doctor . Dumaan rest day ko at sa bahay lang talaga ako nag stay kasi madalas pag na e-expose ako ng matagal sa labas lumalabas rashes ko. Feb 01, 2017 around 4pm umulan ng malakas at sobrang binaha area namin tapos sinabayan pa ng rashes ko. naisip ko baka dahil sa paglusong ko sa baha kaya nagka rashes ako. Habang tumatagal lalong dumadami rashes ko su mukha, sa kamay.
Alam ko nang hindi ako makakapasok that day. I made a call 4 hours prior my scheduled shift, nakausap ko isa sa mga Operation manager namin at nag advised ako na hindi ako makakapasok dahil mataas pa tubig sa area namin at the same time inaatake ako allergies/rashes. Pinicturan ko vicinity namin pati katawan ko para kung sakali hingian ako evidences meron ako ipapakita.
The next day nasa ganung state pa rin katawan at mukha ko, pumunta ako medical city kaya lang naabutan ako cut off so umuwi ako then tumawag ako sa office para mag advised na hindi pa rin ako makakapasok, sinabi ko yung reason kung bakit. In short, sa 2 days absent ko po nag send po ako notification at nag advised po ako sa office.
Feb 03, 2017 nag decide ako pumasok kahit may mga konting rashes pa ako sa mukha, pagdating ko sabi agad ng supervisor ko na nka RTWO (Return to work order) ako. Nagtanog ako agad kung bakit? kasi daw nag absent ako dalawang beses tapos wala daw ako effort na mag present medcert or mag comply sa kanila. Sa araw na yun, hindi ako makapagsalita kasi pakiramdam ko mag co-collapse ako any moment. My supervisor asked me to present medcert/fit to work clearance. Sabi ko okay sige po, bukas na bukas mag submit po ako then I realized weekend kinabukasan. walang hr sa mga araw na yun. So sabi supervisor ko monday na lang, then na move siya ng wednesday kasi nka restday pala supervsor ko ng nang monday. Feb 08, naisubmit ko medcert/fit to work clearance ko sa office then sabi supervisor ko wait ko na lang text or tawag niya if kailan ako babalik para makausap ko HR. From Feb 08, 2017 pinapunta ako office Feb 14, 2017. Ako pa nga nagtetext sa supervisor ko if ano na status ko. Ako yung makulit kasi hindi naman siya nag tetext. So, kung bibilangin From Feb 03, 2017 to Feb 14 po ako wala sa office. Pagbalik ko nalaman ko po na Terminated na daw po ako. So far, tinulungan ako ng isa sa mga HR personnel. Madaming interview. Then sabi okay bibigyan nila ako chance. Ngayon po, Feb 15, 2017 andito po ako sa office habang tina-type ko ito. wala pa po ako access sa mga tools ko. Sabi supervisor ko wait ko daw kasi dapat manggagaling HR yung email na i-lift rtwo ko. natatakot po ako na baka naman biglaan nilang maisip na i-terminate ako uli. ano po dapat kong gawin? tama po ba proseso na nangyari?
Hoping for our response. Thank you!