I would like to ask po for your legal advise regarding sa nangyari sa anak ko sa school. While may tinuturuan na group of pupils ang teacher ng anak ko, siya naman ay nagsusulat ng bigla syang kiniliti ng kaklase nya na nasa ilalim ng desk. Sa madaling salita nagtago na din sa ilalim ng desk yong anak ko para di na sya kilitiin ng kaklase nya. Nang napansin sila ng teacher galit na nagsabi "anong ginagawa ninyo diyan" at hinila po sila. Yong anak ko may sugat sa braso kung saan sya hinawakan ng teacher. Sa pagkakasabi ng anak ko ay "hindi nagkukuko si teacher". Naexpose po yong layer ng balat natin na parang manilaw (parang taba) and 2-3cm and haba. Naicomplain ko na po sa school at umuusad na din sa DepEd. Simula ng nagconduct and DepEd Division ng fact finding sa side ng teacher doon na din po nagsimula mang-intimidate ang co-teacher at ibang parents sa anak ko at sa naghahatid sundo po sa kanya. To the point na sinabihan ang anak ko na pag nagsisinungaling ka masusunog ka sa impiyerno. Naipahayag ko na din po ito sa fact finding sa side namin. Naiadvise na din po sa amin ng DepEd Division na wala ng makikipag-usap o pag-uusap na gagawin outside at wala ng mag-aaproach o magbibitaw ng salita on both sides.
After ng fact finding sa side namin yong isang attendees po dun pumunta ng bahay namin kinausap ang parents ko at pumunta sa workplace ng asawa ko. She was saying na kilalang pamilya sila sa lugar, mga kamag-anak nya nakaupo sa munisipyo at yong respondent ay mabait daw na teacher. She further added na ibaba po ang pride ng husband ko.
Four days after nakareceive po ako ng summon galing sa barangay dahil may complaint po against me na paninirang puri, threat at cyberbullying. Ang nakapost po sa FB ko is- May kalalagyan ka..kaya ka nakokompara ng anak ko sa previous mentors nya and she proved it right. Malayong-malayo ka sa well loved teachers nya. See you".. that my exact work with matching photo ng braso ng anak ko na may sugat.
Gusto ko lang po malinawan dun sa complaint against sa akin at kung ano ang dapat gawin knowing na may nakabinbin na kaso sa DepEd against sa same person.
Thank you.
Last edited by myrrh on Mon Jan 30, 2017 2:48 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : wrong spelling)