Good day po.
Meron po ako tanong tungkol sa isang parcel of land na ibenebenta ng aking lolo Honorato na kapatid ng aking lola Juana, ang nasabing lupa ay "agricultural land" at nakatitulo pa sa pangalan ng kanilang Ama, itong lupaing ito ay napagkasunduan ng magkakapatid bukod kay Honorato at Juana (deceased) na paghahatian ng dalawa.Noong isang taon pumasok sa isang transakyon si Honorato upang ipagbili ang ilang porsyento ng kanyang parte.Ang kabuuang sukat ng lupa ay mahigit kumulang sa 15000 metro kwadrado, at ang sukat ng lupa ibenta ni honorato ay 6250 metro kwadrado, lingid sa kaalaman ng mga anak ni Juana ang nasabing bentahan kung kayat nagkaroon ng Deed of Absolute Sale na pinirmahan ni Honorato at ng bumili ng lupa. Ang tanong ko po ay...
1. Valid po ba ang Deed of Sale na kanilang pinirmahan, gayong ang lupa ay hindi pa naman nakapangalan kay Honorato sapagkat ang lupa ay nakapangalan pa sa kanilang ama ni Juana.
2. Ano po ang basehan ng boundaries na nakasaad sa Deed of Absolute Sale eh hindi pa nga po nasukat ang lupaing binayaran ng bumili. Sa boundaries po nakalagay na ang lupaing katabi ng biniling lupa ay nakapangalan na rin kay Honorato. Valid po ba itong basehan kung in"assume" lamang ng bumili ang mga pangalan ng may-ari sa katabing lupa o boundaries.
Hihintayin ko po ang inyong opinyon tungkol dito. Maraming Salamat po.