di ko po alam kung ano pwede gawin topic title pasensya na po.
bale ganto po problema ko. I was hired by an advertising agency in singapore 2 years ago, actually po acquired po ng malaking advertising company yung dati kong company so for legal reasons I was made to sign a contract locally pero mag report pa rin po ako ng work sa singapore kasi i am a homebased web designer. naligaw na po ako ng department in the 2 years na nasa kanila ako, nagkaron din ako ng problema working with the singapore team. I was adviced to send my resignation letter sa singapore at effective yun by May this year (2016). So i was not expecting na may dadating ng salary ng May pero may dumating, that time kasi di pa rin ako nakakahanap ng trabaho, i tried to look for work pero ang hirap makahanap ng work talaga, upto now.. bale dumating ng dumating yung salary ko upto mid december tapos ngayon tinawagan ako ng HR ng manila office at sinasabing di daw nila alam na wala na ako sa singapore. Ngayon sinisingil nila ako sa naibigay nilang salaries sakin.
Ang tanong ko po, ano po pwede mangyare kung di ko mabayaran yung pera na naicredit nila sakin? at ano po pwede ko gawin kung di ko po rin kya mabayaran.
wala kasi ako pambayad dun kasi may binubuhay akong pamilya.