Good day po. Nais ko lang po sana sumangguni. Ako po ay kasal at may isa kaming anak na tatlong taong gulang. Huling nagsustento po ang asawa ko Aug21. Sept 6 po pinuntahan ko sya s opisina pra manghingi ng sustento pero sabi ipapadala nalang. Nung panahong po iyon 6wks pregnant dn po ako, nakunan po ako buwan ng sept this year, mula din po nun d na pumasok s trabaho ang asawa ko, nakiusap ang boss nya at ktrabaho nya na pakiusapan kong bumalik na s trabaho. Pinuntahan nmin magina sa bahay nila sa san andres bukid manila, pero hndi kami hinarap magina. Tinatago sya ng magulang nya at sabi lang sakin ng nanay nya, hindi na raw papasok ang asawa ko dahil hndi na raw nila pagttrabahuin. Kung ganun po na wala syang trabaho ngayon, pero kailangan ko po ng tulong nyang pinansyal para sa anak namin, maaari pdn po ba sya makapgbigay ng sustento, or ang pamilya nya? Hindi naman sya disabled para hndi magtrabaho, yung magulang lang nya ang umaayaw na magtrabaho sya para walang maibigay saming magina na suportang pinansyal. Maraming Salamat po.