Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

title transfer

+2
hustisya
mszamboangueña
6 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1title transfer Empty title transfer Thu Dec 01, 2016 2:13 pm

mszamboangueña


Arresto Menor

Hello po,
Humihingi po ako ng tulong sa inyo sana po matulungan nyo po ako. Hindi ko po kasi alam kung ano po ng step by step na proseso ng magpapalit ng pangalan ng title po. Ang nanay ko po ibinibigay nya na po sakin ung maliit lang naman pong lupa na nasa pagadian city, taga-zamboanga city po talaga kame. Nakapagpagawa na po kame ng deeds of donation at ibinigay na din po ni mama ung original title na nakapangalan pa po sa kanya. Kaso po hindi ko na po alam kung ano na po ang mga susunod na hakbang o kung anong tamang ahensya po ang pupuntahan para sa proseso. Natatakot naman po ako na basta na lang pumunta sa kung saang office ng gobyerno baka ako ay maloko lang lalo't halatang wala po akong alam. Isa pa po di nman po ako mayaman kaya gusto ko dij po sanang malaman kung mga magkano po kaya aabutin ung gastos at sir/ma'am un po bang deeds of donation may expiration period po ba un?
Pasencya na po sa marami kong katanungan pero pinagdadasal ko po na mabigyan nyo po ako ng advise dahil napakalaking tulong po iyon sa akin. Maraming salamat po.

2title transfer Empty Re: title transfer Tue Dec 20, 2016 4:21 pm

hustisya


Prision Correccional

Ang una mong gagawin ay pumunta ka sa opisina ng Registry of Deeds kung saan naka rehistro ang lupang ibinigay saiyo. Doon po ay maaari kang komunsulta at kumuha ng listahan ng requirements of dokumentong kailangan mong isumite para sa pag transfer ng titulo sa pangalan mo. Pero para mabigyan ka ng guide, narito po ang mga requirements na kakailanganin ninyo sa paglipat ng titulo:

1. Notarized Deed of Donation
2. Latest Tax Declaration - kukunin nyo ito sa Assessor's Office sa City Hall.
3. Real Property Tax Clearance - Kailangan updated yung bayad nyo ng buwis o amilyar; kukunin nyo po ito sa Trasurer's Office sa City Hall din.
4. Resibo ng pinagbayan ng Donor's Tax at Documentary Stamp Tax sa BIR (babayaran nyo po ito sa BIR)
5. BIR- Certificate Authorizing Registration (makukuha nyo po ito pagkatapos nyo mabayaran yang number 4 sa itaas)
6. Payment of Transfer tax (babayaran nyo din po ito sa treasurer's office sa city hall ulit)
7. Payment of Registration Fees (LRA & I.T Fees) - ito po ay babayaran nyo sa regitry of deeds kapag sinubmit nyo na sa opisina nila ang mga requirements na nabfanggit sa itaas.

3title transfer Empty Re: title transfer Thu Jan 05, 2017 4:09 am

betchay001


Reclusion Perpetua

Pumunta po muna kayo sa BIR sa inyong lugar at dun po magtanong. Magbibigay sila ng list of requirements and matutulungan Nila kayo sa tax assessment.

4title transfer Empty Transfer of title Thu Jan 05, 2017 10:08 pm

don0720


Arresto Menor

Hingi lang po ako ng guide kung ano gagawin ko. May naiwan po na lupa ang aking namayapang ina, nakapangalan na po sa kanya yung titulo ng lupa,
1.ano po hakbang na gagawin para po mailipat sa aming 5 magkakapatid ang niwang lupain.
2. Ano ano po mga dokumento kakailanganin sa paglilipat ng titulo



5title transfer Empty Pagbabayad sa utang Sat Jan 07, 2017 12:28 pm

Richard1984


Arresto Menor

Gud day po atty,hingi po sana ako advise kung anung dapat gawing hakbang,dahil ang mga tita ko po ayaw tanggapin ang 77,000 na bayad namin sa kanya at ayw na rin nilang ibgay ang titulo ng lupa namin.dahi ang gusto daw nilang bayad ay ang mismong lupa.yung 77,000 ipinahiram nila yun nuong namatay ang tatay ko na ginamit nmin sa pagpapalibing juong 2016.ngyon po ayaw na nila kunin yung bayad namin at mismo g lupa ang gusto nila.anu po ba dapat nming gawin dahil di po kami makapagbayd ng amilyar dahil hawak po nila lahat ng papeles.at yung mga papeles po na yun ay sapilitan din po nilng kinuha sa amin

6title transfer Empty Re: title transfer Thu Jan 12, 2017 11:02 am

TUNAGUY


Arresto Menor

newbie po ako dito...ask po sana ako f ano po ba dapat gawin sa land title ng mother ko.mali po kc nakalagay sa name nya at middle initial. instead na ninfa naging nimfa at ang M.I. na L naging R.tanx

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum