Atty. hingi lang po ako ng advice or konting info po. Kase may friend po ako na nangutang sakin ng 100k... nagkasundo po kami na mag interest po cya monthly ng 15%. Ang usapan po namin 1month lang. Nang naka 1month napo dipo nya binalik ang pera nagrenew lang po cya sabi po nya gagamitin daw muna nya para mapaikot din nya ung pera. Hanggang sa tumagal napo nakakapagbigay po cya ng interest kaso sa halip po na 15k monthly eh magbibigay lang po cya ng 2k cash tpos ung 13k nakatseke. Hanggang sa nagtagal napo inabot napo ng 3yrs di po nya nababalik capital tpos ung interest po lagi na nya tseke lang binibigay sakin. Kapag masasabi po ako n magdedeposit nakikiusap po cya skin na wag ipasok. Tpos nang mag 3yrs napo ung mga tseke po ay lampas n 6months diko napo naipasok ung iba kase dinapo tanggapin ng bangko at un namang naipasok kopo ay bumalik sakin kase closed napo tumalbog po. Sa loob po ng 3yrs dahil tseke lang lagi napapabigay nya inabot po ng 600k plus. Atty anu po kaya ggwin ko kase dinapo nya ako binabayaran. Kaya nman po lumaki ng lumaki kase 3yrs napo un tpos puro tseke naman napapabigay nya at konti lang ang cash. Ni minsan po di ako nag incash ng tseke nya kase nakikiusap po lagi cya na wag i daw kase wala dw pondo. Anu po kaya ggwin ko kase matagal napo talaga ayaw nya magbayad n sabi kapag kinasuhan ko daw cya lalo daw akong walang makukuha sa kanya. Ang tagal po nya napakinabangan pera ko ang bait po nya nung nautang tapos nung umabot na sa ganito katagal cya pa ang matigas at mayabang na wala daw lalo ako makukuha sa kanya kapag kinasuhan ko cya.
Free Legal Advice Philippines