Good day po. I entered a business partnership nang zero knowledge about doing the business. Sa sobrang galak ko po, umayon na lang po ako sa mga business partners ko dahil mas nakakatanda sila sa akin at alam ko po na may experience na sila. ang business po namin ay paanakan. 6 po kaming nag bigay ng napag usapan na starting pondo po para maipatayo ang paanakan. sa pag uusap po namin, napag kasunduan na ako, ang aking pangalan ang gamitin para makapag apply sa dti na aking sinang ayunan verbally. hindi po kasi namin kaya ang SEC, malaking capital po kasi ang kinakailangan kaysa sa sole proprietorship. sa mga lumipas na buwan, naisip ko po na nasa akin ang pinaka malaking responsibilidad, at liabilities. may nakapag payo po sa akin na isang midwife na solong may ari ng paanakan nya, na hindi po maganda ang aming sistema. dahil sa akin nga lang po nakapangalan ngunit wala po sa akin ang awtoridad, desisyon, transaksyon sa mga med. rep. at kita ng negosyo. Ang pinaka mas may edad po sa amin ang syang humahawak sa pagpapatakbo ng negosyo. hindi ko po masabi sa kanila na gusto ko pong ako na ang magpalakad ng negosyo. dahil na rin po sa conflict na, kaya po namin ito itinayo dahil bawal na ang mag paanak sa bahay sa aming munisipalidad. at hindi ko din naman po iyon maitatayo ng mag isa kung wala po ng tulong nila. ako po ay rehistradong nurse at midwife. kasosyo po ang mom-in-law ko na isang midwife at may sarili nya pong clinic, yung pinaka senior midwife po sa amin na nag tratrabaho po sa gobyerno, sa public lying-in.(sya po ang in control/head sa amin), isang midwife na kulang po sa mga trainings, isang guro.sya po ang aming secretary/bookkeeper, isang midwife(anak po sya ng senior midwife/pero sa nanay nya po pala galing yung pondo nya, sinabi lng po ng nanay nya na sa anak nya iyon).
Mag iisang taon na po simula ng kami ay mag paanak sa clinic. may LTO n po kami galing DOH, at on process po ang philhealth accreditation.
Mahina po ang loob ko na sabihin sa kanila na hindi kami SEC, at ako lang po ang lihitimong nag mamay-ari ng clinic, sa kadahilanang ang bawat isa ay pare pareho ng pondo kaya ang turing ng bawat isa ay pag mamay ari nila ang clinic.
Wala po sa akin ang authority, power at money.
Gusto ko man alisin sila, iba naman po ang gusto ng tatay-in-law ko, dahil malaking gulo lamang po iyon. At maaaring masira ang clinic/paanakan. Dahil sa barangay na iyon, halos kilala po sila mom-in-law, senior midwife, at midwife na kulang sa mga trainings na matagal na pong mga kumadrona.
Natatakot din po ang nanay-in-law ko na baka barilin na lang sya ng asawa ni midwife na kulang sa training.
Marami na po nag payo sa akin. Ngunit hindi ko po malabanan yung kahinaan ko na sabihin sa kanila yung gusto ko, na ako po ang mag manage ng clinic at gabayan na lamang po nila ako kung nais nila.
Hindi ko din po gustong umalis sa clinic, dahil ito lamang din po ang inaasahan ng aking pamilya.
Kung sa legal issue po , ano po ang pwede kong gawin.
Maaari ko po bang sabihin na lang sa kanila na mag uusa kami sa harap ng abogado para po makuha ang nais ko ng hindi ko po sila tinatanggalan ng karapatan? Dahil alam ko din po na ang clinic lamang din po ang inaasahan nila para sa pamilya nila.
SALAMAT PO!